Home METRO Kelot tinaga ni kuya sa ulo

Kelot tinaga ni kuya sa ulo

166
0

PANGASINAN-Nasa ospital ngayon ang isang 60-anyos na lalaki matapos na tagain sa ulo ng panabas ng kanyang 63-anyos na kapatid sa Brgy. Sta. Maria West, San Nicolas ng lalawigang ito nitong Lunes ng umaga, Agosto 5.

Nagkasalubong ang dalawa sa daan papunta sa bukid ng suspek at nagkasagutan hanggang sa tagain ng suspek sa ulo ng panabas ang biktima.

Mabilis na isinugod sa Eastern Pangasinan District Hospital sa Tayug, Pangasinan ang biktima samantalang ang suspek ay inaresto naman ng mga rumespondeng personnel ng San Nicolas MPS.

Ang motibo sa krimen ay old grudge related to land dispute. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here