Home HOME BANNER STORY ‘A-‘ investment grade rating ng Pinas pinalutang ni PBBM

‘A-‘ investment grade rating ng Pinas pinalutang ni PBBM

139
0

KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang “A-” investment grade rating ng Pilipinas sa Japan-based Rating and Investment Information, Inc. (R&I) ay makapanghihikayat ng mas maraming investment sa bansa.

Sa isang kalatas, sinabi ni Pangulong Marcos na ang highest rating ng bansa ay isang manipestasyon ng kumpiyansa ng mga mataas na mamumuhunan sa robust economy ng bansa.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang pinakabagong upgrade ng credit score ng bansa ang tatapyas sa borrowing costs at magsisiguro sa ‘cheap at affordable financing’ para sa pamahalaan, negosyo at ordinayong mamamayan.

“Ang patuloy na pagpapabuti ng ating credit rating ay maghahatid ng mas maraming investments at dagdag na negosyo sa ating bansa na magdadala ng maraming kalidad na trabaho at mas mataas na kita para sa bawat Pilipino,” aniya pa rin.

Tinuran pa ng Pangulo na ang pinakabagong credit rating ng bansa ay “also an upgrade on the lives of ordinary Filipinos,” habang ang gobyerno, sa halip na binabayaran ang interest, maaaring gumastos sa public services gaya ng imprastraktura, healthcare facilities, at konstruksyon ng school buildings.

Nangako naman ito na ang lahat ng mga Filipino ay makikinabang sa economic growth ng bansa, sabay sabing ito ang susi ng pagtatapos ng kahirapan sa hinaharap.

“This will help us invest more in our people — paving the way for more Carlos Yulos in the near future,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Bagama’t ito ang kauna-unahang credit rating upgrade ng aking administrasyon, hindi po tayo hihinto rito. We will keep giving our best to make sure that every Filipino benefits from economic growth until we break the cycle of poverty,” dagdag na wika nito.

Nakakuha ang Pilipinas ng “A-” investment grade rating na mayroong matatag na pananaw mula sa R&I, ang largest credit rating agency ng Japan.

Tinukoy ng R&I ang macroeconomic stability ng bansa, mataas na economic growth path, at improvement sa fiscal balance bilang basehan para sa rating upgrade na “A-,” one notch up mula sa previous rating na“BBB+” ng bansa noong Agosto ng nakaraang taon.

Isang “A-” credit rating ang sumasalamin sa malakas na investor confidence sa ‘macroeconomic stability, high economic growth at improved fiscal position’ ng bansa. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here