Home NATIONWIDE #WalangKuryente sa ilang bahagi ng Bulacan sa Oktubre 4, 6

#WalangKuryente sa ilang bahagi ng Bulacan sa Oktubre 4, 6

154
0

MANILA, Philippines -Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) nitong Martes, Oktubre 1 na mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Bulacan sa Oktubre 4 at 6.

Masasapul ng power outages ang ilang bahagi ng Marilao sa pagitan ng alas-10 ng umaga at alas-3 ng hapon sa Biyernes, Oktubre 4, dahil sa pagpapalit at installation ng bagong pasilidad sa Town & Country Executive Village 1 sa Barangay Abangan Norte.

Dagdag pa, mawawalan din ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Angat at Pandi sa Linggo, Oktubre 6, sa pagitan ng alas-7 ng umaga at alas-8 ng umaga, at pagitan ng alas-3 ng hapon at alas-4 ng hapon.

Ito ay dahil sa maintenance work at installation ng mga pasilidad sa Meralco-Angat substation.

Narito naman ang mga apektadong lugar:

Bahagi ng Pundicion Street mula Matias A. Fernando Avenue hanggang Barangays Encanto, Paltok, San Roque, Santa Cruz, at Taboc sa Angat

Bahagi ng Pandi-Angat Road mula Pundicion Street hanggang Bagong Barrio, Cacarong Bata, Cacarong Matanda, Pinagkuartelan, Real De Cacarong, Siling Bata, at Siling Matanda sa Pandi. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here