Home NATIONWIDE Comelec nakapagproseso ng mahigit 7.4M voter registration

Comelec nakapagproseso ng mahigit 7.4M voter registration

174
0

MANILA, Philippines – Nakapagproseso na ang Commission on Elections (Comelec) ng mahigit 7.4 milyong voter applications mula nang magsimula ang registration period para sa 2025 national and local elections (NLE).

Sa datos na ibinahagi sa mga mamamahayag, makikita na hanggang noong Setyembre 30, nasa kabuuang 7,436,555 ang bilang ng mga nagparehistro.

Sa nasabing bilang, 3,630,968 ang lalaki at 3,805,587 ang babae.

Naitala sa CALABARZON ang pinakamataas na bilang ng registrants sa 1,223,159. Ito ay sinundan ng National Capital Region sa 997,062; Central Luzon sa 834,467; BARMM sa 416, 866; at Davao Region sa 411,879.

Nakapagtala rin ang Comelec main office ng 9,201 aplikasyon.

Ang voter registration period para sa May 2025 midterm polls ay nagsimula noong Pebrero 12, at nagtapos noong Setyembre 30.

Pinalawig naman ng isang araw ang deadline para sa Batanes matapos na suspendihin ang operasyon ng local Comelec office doon dahil sa pananalasa ng bagyong Julian. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here