Home OPINION PANGASINAN PINAKAMALAKING TAGAGAWA NG ASIN SA PINAS

PANGASINAN PINAKAMALAKING TAGAGAWA NG ASIN SA PINAS

128
0

Muling sumisigla ang industriya ng asin sa Pangasinan Salt Center (PSC) matapos nitong makapagbenta ng nasa 40,000 bag ng mga AGSF o agricultural grade salt fertilizer nitong nakaraang Linggo.

Ito ang kauna-unahang malaking benta ng sentro na matatagpuan sa Zaragosa simula nang umani ito ng asin sa loob ng pito at kalahating buwan na ang nakararaan.

Ang AGSF ay binili ng isang negosyante na siyang nagsusuplay sa Philippine Coconut Authority (PCA) ng pangangailangan nito sa coconut fertilization program.

Napatunayan na ang paggamit ng asin o sodium chloride bilang pataba ay nakatutulong sa pagpaparami ng produksyon ng niyog sa bansa ayon sa DA o Department of Agriculture. Maliban pa sa ito ay mura.

Base sa isinagawang pagtatanong ng DA, napag-alaman na 40 na lalawigang nagtatanim ng mga niyog ay salat sa asin.
Ang mga biniling AGSF na may bigat na 50 kilograms bawat isa ay nakatakdang ipamahagi sa mga lalawigan ng Albay, Cebu, Davao, Iloilo at South Cotabato.

Ayon naman sa PCA, nasa 69 na lalawigan sa kabuuang 82 sa buong bansa ay mga “coconut producing provinces” kung saan umaabot sa 3.6 million ektarya ay natatamnan ng niyog at pinagmumulan ng kabuhayan ng nasa 2.5 million na magniniyog.

Pasado sa pamantayan ng PCA ang asin na mula sa PSC na dapat ay 55 percent ang salinity o taglay na alat, at may moisture level na hindi bababa sa 10 percent. Matatandaan na ang lokal na pamahalaan na ng Pangasinan ang siyang nagpapatakbo sa may lawak na 473 ektaryang salt farm simula noong taong 2023. Una itong nakapag-ani noong December 21, 2023 na umaabot na sa 6,000 metric tons.

Nakatakda pang kumuha ng karagdagang 4,180 bags na asin ang PCA sa PSC para ipamahagi naman sa iba pang lalawigan.

Nasa negosasyon naman ang PCA na sumasaklaw sa Ilocos region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative region sa paghango nito ng 6,000 bags na asin mula sa Dasol, Pangasinan.

Mula sa pagiging masiglang industriya noong 90’s, unti-unting namatay ang salt industry sa Pilipinas dahil na rin sa pagpasok ng mga imported na asin mula sa Australia at sa China.

Pero nitong March 2024 ay naging batas na ang Republic Act No. 11985 o ang Philippine Salt Industry Development Act nag-utos sa mu­ling pagbuhay ng salt industry sa pamamagitan ng pagbuo ng komprehensibong plano.

Maliban sa Pangasinan, kabilang din sa mga itinuturing na “salt producing provinces” ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Zambales, Bataan, Antique, Iloilo, Quezon, Marinduque, Occidental Mindoro, Orien­tal Mindoro, at Misamis Oriental.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here