Home OPINION PINAKAPINAGKAKATIWALAAN ‘YUNG PINAKAMALALA

PINAKAPINAGKAKATIWALAAN ‘YUNG PINAKAMALALA

172
0

NATUKOY sa resulta ng bagong survey ng Pulse Asia ang pinakamalaking pagbaba sa trust at approval ratings ni Vice President Sara Duterte, dumausdos ng 10 puntos ang trust (mula 71% ay naging 61%) habang siyam na puntos naman ang ibinaba ng approval (mula sa 69% ay naging 60%).

Sumadsad ang kanyang ratings sa nakalipas na mga buwan, panahong umaani siya ng batikos dahil sa iba’t ibang isyu, kabilang ang disallowance ng Commission ng Audit sa P73 milyon sa kanyang confidential funds at ang kontrobersiyal niyang pang-iisnab sa 2025 budget hearings, kung saan hindi niya sinipot ang ilan at kung sumipot man siya, kwestiyonable naman ang inasal.

Sa kabila nang tumitinding panlalamig ng publiko, nakapagtataka — at medyo nakadidismaya — na si VP Duterte pa rin ang nananatiling pinakapinagkakatiwalaan sa apat na pinakamatataas na halal na opisyal sa bansa. Ano ang ipinakakahulugan nito tungkol sa atin?

Ipinahihiwatig nito ang isang katotohanan tungkol sa kalagayan ng ating bansa — marahil ay sinasalamin ang ating pinagsama-samang kabiguan na mapanagot ang ating mga public official at ang namamayaning posibilidad na prayoridad pa rin ng karamihan sa atin ang pagtuunan ang personalidad ng pulitiko kaysa kakayahan nito.

Marami pang pagmumuni-muning kailangang gawin ang mga Pilipino bago isagawa ang susunod na eleksyon!

                               *         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here