Home ENTERTAINMENT lon, tatakbo sa Tarlac; Vice, nakasuporta!

lon, tatakbo sa Tarlac; Vice, nakasuporta!

105
0

Manila, Philippines- Isa si lon Perez–partner ni Vice Ganda–sa hanay ng mga celebrity na nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy o CoC sa unang araw ng filing nito.

Si lon ay isa sa mga hosts ng pantanghaling programa na It’s Showtime sa GMA.

Tatakbo si lon bilang Konsehal sa kanilang bayan sa Concepcion, Tarlac.

Kabilang si lon sa ticket ng National People’s Coalition na siya ring partido ni Tarlac Governor Susan Yap.

Kung ating nasusubaybayan, ang talaga namang inuurot na tunakbo sa pulitika ay ang karelasyon ni lon na si Vice Ganda.

Walang kaide-ideya ang publiko na pangarap din pala ni lon na makipagsapalaran sa pulitika.

With lon’s bid for a national post, tiyak na inihahanda na niya ang kanyang sarili sa posibleng panlilibak sa kanya lalo na tungkol sa kanyang mga credentials.

Puwera pa rito ang pagsunod sa probisyon ng Fair Election Code na mahigpit na ipinagbabawal ang papagpapatuloy ng trabaho sa radyo at TV during the duration of the campaign.

Pero kung winnability ang pag-uusapan, malaking-malaki ang maitutulong ni Vice Ganda para makalusot si lon.

‘Yun nga lang, dahil kay Vice Ganda kaya malaki ang tsansang manalo ni lon and not solely based on his qualifications. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here