Home NATIONWIDE Kiko Pangilinan nagbabalik-Senado

Kiko Pangilinan nagbabalik-Senado

101
0

MANILA, Philippines- Handang isantabi ang politika na walang kulay para sa totoong pamumuno at paglilingkod para sa taumbayan.

Ito ang inihayag ni dating Senador Kiko Pangilinan sa kanyang paghahain ng certificate of candidacy (COC) para muling tumakbo sa pagka-senador sa 2025.

Kasama ni Pangilinan ang kanyang magbahay at aktres na si Sharon Cuneta nang magsumite ng kanyang COC sa Manila Hotel The Tent ngayong huling araw ng COC filing.

Sinabi ni Pangilinan na sa kanyang pagbabalik sa Senado, sisikapin niyang mapababa ang presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin tulad ng kung paano siya nakapag-ambag ng ganitong pagsisikap sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III bilang presidential adviser sa food security.

Bagama’t mababa ang rating ng dating senador sa mga survey, sinabi niya kahit mataas ang nakukuhang rating dito, pagdating sa panahon ng halalan ay natatalo pa rin habang ang mga bagsak sa rating ang siyang nananalo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here