Home NATIONWIDE Hontiveros kay Quiboloy sa paghahain ng COC: ‘Mahiya ka naman’

Hontiveros kay Quiboloy sa paghahain ng COC: ‘Mahiya ka naman’

184
0

Halos hindi makapaniwala si Senador Risa Hontiveros sa paghahain ng Certificate of Candidacy ni Pastor Apollo C. Quiboloy upang tumakbo bilang senador.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros, nanguna sa paglalantad ng ilang krimen na kinasasangkutan ni Quiboloy tulad ng child abuse, money laundering at human trafficking, na hindi dapat inihahalal ang sinumang “lawbreaker” bilang “lawmaker.”

“Apollo Quiboloy, magkaroon naman kayo ng kaunting hiya,” giit ni Hontiveros

Ayon kay Hontiveros na “para sa isang taong humaharap sa patong-patong na kaso kabilang ang human trafficking at child abuse, at nagtago pa nga sa batas, nagkaroon pa talaga kayo ng lakas ng loob na ipresenta ang iyong sarili sa taumbayan para maging mambabatas.”

“Karapatan nga ng bawat isa sa ating tumakbo para maglingkod sa bayan, pero nagtitiwala akong may sapat na kaalaman tayong mga Pilipino para gamitin natin ang ating karapatang pumili ng ating mga lider para hindi iboto si Quiboloy,” ayon kay Hontiveros.

“Let us not elect lawbreakers as lawmakers,” giit pa ng senadora. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here