Home NATIONWIDE Labi ng binitay na Pinoy sa Saudi ‘di maiuuwi sa Pinas

Labi ng binitay na Pinoy sa Saudi ‘di maiuuwi sa Pinas

173
0

MANILA, Philippines – Ang mga labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia ay hindi maaaring iuwi sa Pilipinas alinsunod sa Shari’ah Law.

Sinabi ng Philippine Embassy sa Riyadh na ito ang pamantayan para sa mga pinatay na indibidwal sa bansa.

Sinabi ni Riyadh Charges D’Affaires Rommel Romato, na hindi nila pinapayagan iuwi sa pinanggalingang bansa ang labi ng mga binibitay kahit gustuhin ng Pilipinas na iuwi sa bansa.

“Kahit gustuhin nating iuwi, yung mga nakaraang execution ganoon din po yung naging procedure.”

Kinasuhan ang pinatay na Filipino dahil sa pananakit ng dalawang beses sa ulo ng isang Saudi national dahil sa alitan tungkol sa negosyo.

Sinabi ng Philippine Embassy na sinubukan nilang umapela sa pamilya na patawarin ang Filipino sa ilalim ng Shari’ah Law ngunit tumanggi ang pamilya.

Sinabi ng Philippine Embassy sa Riyadh na mayroon pa ring siyam na Pilipino ang nasa death row, na may isang kaso na nakatakdang isagawa bago matapos ang taon.

“Meron tayong ina-anticipate, but we are hopeful na ma-save po sya. Hopefully, magkaroon po ng forgiveness within the year, pero ang kinakatakutan natin ay within the year din magkaroon ng execution because matagal na itong nakaiskedyul at anytime pwedeng ma-execute,” sabi ni Romato. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here