Home NATIONWIDE 1 patay, 12 na-trap sa underground gold mine sa US

1 patay, 12 na-trap sa underground gold mine sa US

207
0

UNITED STATES – Patay ang isang indibidwal habang na-trap naman ang 12 iba pa sa lalim na 1,000 talampakan sa isang underground gold mine sa Colorado, sa Estados Unidos.

Ang mga indibidwal ay bahagi ng tour group, at nastuck malapit sa ilalim ng Mollie Kathleen Gold Mine sa Cripple Creek, Teller County ng Colorado, nitong Huwebes ng tanghali, Oktubre 10.

Ang insidente ay sanhi ng equipment malfunction, ayon sa ulat ng Teller County Sheriff’s Office.

Sinabi ni Teller County Sheriff Jason Mikesell na isa ang nasawi sa insidente, at 12 ang nananatiling nasa lalim ng lupa.

May nasagip nang 11 indibidwal, kabilang ang dalawang bata.

Ligtas naman ang 12 katao na nasa ilalim pa rin ng lupa at nagpapatuloy na ang rescue operations para mailabas ang mga ito.

Ayon kay Colorado Governor Jared Polis, tumutulong ang State of Colorado sa Teller County at nagpadala na ng mga karagdagang tulong para agarang masagip ang mga na-trap sa loob ng minahan.

“We will do everything possible and assist the county to ensure a speedy and safe resolution of the situation,” saad sa pahayag ni Polis.

Ang naturang minahan ay isang kilalang tourist destination malapit sa Cripple Creek, Colorado. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here