Home NATIONWIDE 7,488 automated counting machine na gagamitin sa 2025 polls, dumating na

7,488 automated counting machine na gagamitin sa 2025 polls, dumating na

137
0

MANILA, Philippines – Dumating na ngayong araw, Oktubre 11 ang 7,488 automated counting machine (ACM) na gagamitin para sa 2025 national and local elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ang kabuuang bilang ng lahat ng ACMs kung saan ay umabot na sa 63,480 ang hawak ng Comelec.

Nabatid na nagsimulang dumating ang mga ACM noong buwan ng Agosto at Setyembre.

Kaugnay nito, nasa 47,140 na ACM pa ang inaabangan ng Comelec na kanilang gagamitin para sa 2025 midterm elections.

Ngayong umaga naman ay nagsagawa ng walkthrough ang Comelec para sa venue ng Local Source Code Review (LSCR) at Data Center 3 sa Circuit Corporate Center One sa Makati City.

Sinabi ni Comelec Spokesperson Atty.jihnRex Laudiangco na advance o mabilis ang delivery ng mga ACMs. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here