MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG ng kanyang pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos para sa pagkawala ng buhay at kabuhayan matapos tumama at manalasa ang Hurricane Milton sa Florida.
“At the outset, Mr. Blinken, please accept the Philippines’ condolences for the loss of lives and livelihoods in the United States caused by the terrible devastation brought by Hurricane Milton,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa idinaos na ASEAN-US Summit.
“The Philippines and our region more than most, understand the impacts of natural disasters. We extend our sympathies for the losses which, in reality, can never be sufficiently measured,” aniya pa rin.
Sa naging ulat naman ng Reuters, may 10 katao ang nasawi habang milyon naman ang nakaranas ng power outages matapos ang pananalasa ni Milton sa Florida.
Sa ulat, sinabi ni US Homeland Security Secretary Alejandro Mayorkas na ang 10 indibidwal na nasawi ay posibleng dahil sa buhawi.
Wala namang napaulat na Filipino na nasaktan matapos manalasa ang naturang hurricane, ayon sa Philippine Embassy in Washington. Kris Jose