Home NATIONWIDE POGO Godfather, suportado ng ilang gov’t officials – Hontiveros

POGO Godfather, suportado ng ilang gov’t officials – Hontiveros

152
0

Malaki ang paniniwala ni Senador Risa Hontiveros na tumatanggap ng suporta at tulong ang itinuturing na big boss ng illegal POGO sa bansa upang makapagtayo ng sariling network sa Pilipinas.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kahit nakikita nitong malaking tagumpay ang pagkakaa-resto kay Lin Xuhan a.k.a. Lyu Dong, pero kailangan din maging mapagmatyag dahil mayroon itong “backe” sa gobyerno.

“Sa dami ng mga in-operate na POGO hub ni Lyu Dong, hindi niya ito puwede nagawa ng walang kumanlong na kawani ng gobyerno. I hope that we can also identify the Filipino associates of Lyu Dong,” ayon kay Hontiveros.

“There are bigger bosses out there. Dapat natin silang mahuli, at dapat silang managot sa kanilang mga krimen laban sa napakaraming inosenteng tao,” dagdag niya.

Pinapurihan din ni Senador Joel Villanueva ang isinagawang pagkilos ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), na nagpapatingkad sa pagkilos upang malantad ang lahat ng illegal POGO operations sa buong bansa.

“However, the job is not yet done. Given the extent of the workload that the PAOCC has been doing over the past few months, which involves POGO raids, there is a need to increase their budget and manpower,” ayon kay Villanueva sa statement.

“Hindi pa po tayo titigil hangga’t hindi po natin tuluyang napapalayas ang mga POGO sa bansa,” dagdag ng senador.

Samantala, sumailalim naman sa inquest proceedings ang lahat ng 13 Chinese nationals kasama si Lyu Dong na kilalang “godfather” ng POGO sa Pilipinas pagkatapos nilang madakip.

Sinabi ni PAOCC chief Usec. Gilbert Cruz, na mananatiling nasa kustodiya ng bansa si Lin samantalang palalayasin ang ibang kasamahan nito.

“Kasi nga part na siya ng iniimbestigahan natin sa Porac na pinapatakbo ni Cassie Li Ong. Kabit naman niyang Porac POGO hub sa Bamban POGO hub kay dating Mayor Alice Guo,” paliwanag ni Cruz.

Bukod sa paglabaga sa ilang batas sa imigrasyon, nahaharap din si Line sa kasong laundering at qualified human trafficking.

Malakas umano ang ebidensiyang hawak ng awtoridad laban kay Lin sa kanyang pagkakasangkot kay dismissed Bamban mayor Alice Guo matapos ilantad ito ng ilang kasamahan ng naturang boss.

“Kasi from the very start kasama na siya nung grupo. And as to the association ni Alice Guo and itong si Lyu Dong, siya nakakapagsabi. Malaking bagay kasi siya nagli-link e,” paliwanag ni Cruz.

“He doesn’t know who is Lyu Dong. He is not Lyu Dong, maybe they found the wrong person. He feel inside, very sad now,” ayon sa interpreter.

“Sanay na siya eh. Alam naman natin na itong mga bosses na to they can acquire ‘yung fake identities. Ang akala niya siguro, maitatago niya ‘yung sarili niyang identity,” giit ni Cruz.

Nakatakdang palayain naman ang ilang nakadetening Filipino maiban sa ilang indibiduwal na pawang personal bodyguards ng mga POGO bosses na pawang dating miyembro ng militar ang isa. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here