MANILA, Philippines- Nagsagawa ang American at Filipino Marine commandos ng amphibious assault exercise sa isang beach sa Palawan bilang bahagi ng war games na nilalayong palakasin ang interoperability ng armed forces ng dalawang bansa.
Sinabi ng Philippine Marine Corps’ (PMC) 3rd Marine Brigade na isinagawa ang amphibious assault sa isang beach sa Long Point, Barangay Apurawan sa bayan ng Aborlan gamit ang mga bangka mula sa Combat Support Brigade ng pinagsamang sundalong Pilipino at Amerikano bilang assaulting force.
“After the successful landing, the landing force skillfully maneuvered their way to the designated objectives by breaching obstacles encountered, target suppression through live fire of various guns and infantry maneuvers on the beach,” pahayag nito.
Isa ang aktibidad sa serye ng military exercises sa ilalim ng Kaagapay ng Mandirigma sa Dagat (KAMANDAG 08-24) na taunang ikinakasa ng PMC at US Marine Corps.
Layunin ng exercise KAMANDAG 08-24 na paigtingin ang interoperability ng Philippines at United States’ Armed Forces habang isinusulong ang regional security at cooperation. RNT/SA