MANILA, Philippines – Sa ikatlong sunod na araw ay muling sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan at trabaho sa pamahalaan ngayong Biyernes, Oktubre 25.
Sa kalatas, sinabi na suspendido ang pasok sa klase sa mga paaralan sa lahat ng antas sa buong Luzon ngayong araw dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.
Kasama rin dito ang pasok sa mga manggagawa sa gobyerno maliban sa mga nasa paghahatid ng basic and health services, preparedness/response sa mga kalamidad, at pagsasagawa ng iba pang mahalagang serbisyo.
Ang anunsyo ay ginawa ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Huwebes ng gabi, at nakapost sa Facebook account ng Presidential Communications Office.
“Due to the raising of Tropical Cyclone Wind Signal Nos. 1, 2 and 3 in most areas of Luzon in view of the persistent intense rainfall and strong winds brought about by Severe Tropical Storm “Kristine,” to further aid in the rescue, relief, and recovery efforts of the government, and upon the recommendation of the National Disaster Risk Reduction and Management Council, work in government offices and classes at all levels in Luzon are hereby suspended on 25 October 2024,” saad sa pahayag.
Ipinaubaya naman sa mga pamunuan ng pribadong kompanya ang pasya kung magsususpinde rin ng pasok para sa kanilang mga empleyado. RNT/JGC