Home SPORTS Abarrientos mapapalaban kay  Castro sa PBA Finals

Abarrientos mapapalaban kay  Castro sa PBA Finals

168
0

Unang napalaban sa semis si Ginebra star RJ Abarrientos kay Terrence Romeo ng San Miguel at ngayon isa na naman mahirap na trabaho ang haharapin nito kontra Tropang Giga sa Finals ng PBA.

Makakasagupa ni Abarrientos si Jayson Castro na isa sa itinuturing na pinakamabilis na manlalaro sa Asya.

Si Castro ang nagsisilbing ikalawang sunod na marquee opponent na kakaharapin ng 25-anyos na rookie sa playoff matapos na mabigat na laban kontra kay Terrence Romeo ng San Miguel sa best-of-seven semifinals series, na napanalunan ng Kings, 4-2.

“Napapanood ko lang si kuya Jayson (Castro) siguro way back in high school or college. And then now sobrang nakaka-overwhelm na makakalaban mo siya sa finals. Sobrang grateful ako na isa siya sa makaka-match up ko sa TNT,” ani Abarrientos.

Tulad ng iba pang magagaling at beteranong manlalaro na nauna sa kanya, sinabi ng No. 3 overall pick sa kamakailang rookie draft na  lubos ang paggalang niya sa 38-anyos na si Castro, limang beses na nagwagi ng Best Player of the parangal sa kumperensya.

Dating nagsanay ang dalawa sa  Gilas Pilipinas – si Castro bilang bahagi ng 5-on-5 team at Abarrientos na may 3×3 unit.

“Like kuya LA (Tenorio), yung respeto na binibigay ko lang din sa mga players tulad ni kuya Jayson, sobrang thankful lang ako na makalaban siya at excited ako na magkita kami sa Sunday sa first game ng finals,” ani Abarrientos.

Sa semifinals laban sa Beermen, nag-average si Abarrientos ng 13.3 points, 2.8 rebounds, at 3.6 assists. Umiskor siya ng conference high na 28 points sa 121-92 blowout sa Game 4.

May dinaramdam ngayong injury sa tuhod si  Castro na nagpatigil sa kanya sa dalawang laro sa semis series laban sa Rain or Shine, kung saan nag-average siya ng 7.6 points, 2.0 assists, at 1.3 steals sa loob ng 19 minutong paglalaro kada laro.

“Siyempre, like kuya Terrence (Romeo), parehas kaming FEU, same lang din kay kuya Jayson Castro, kay kuya Kelly Williams or yung matatagal na sa PBA. For me as a rookie, trabaho lang. Siyempre kailangan din makipag-compete kahit na mga idol mo (sila),” wika ni Abarrientos.

Inaasahan ng Ginebra guard na si Castro at ang natitirang bahagi ng Tropang Giga ay magpapahirap sa kanya sa kanyang unang stint sa finals.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here