Manila, Philippines – Marami ang nag-aabang sa sagot ni Pia Wurtzbach makaraang linawin mismo ni Heart Evangelista na walang isyu sa kanilang pagitan.
Kasabay nga ng paglilinaw ni Heart ay ang palangin nito na sana raw ay hindi mangyari kay Pia ang sinapit niya.
Obyus na may kinalaman ‘yon sa dating glam team ni Heart na lumipat kay Pia.
At sa halip ngang maglabas ng reaksyon, idinaan ni Pia sa ibang paraan.
Instead, ipino-promote niya ang kanyang pa-subasta ng kanyang mga memorabila bilang beauty queen.
Dubbed as Love Gala, Eternal Elegance: A Night of Timeless Love, ito’y idaraos sa December 3.
Ang lahat ng kikitain nito’y nakalaan para sa Youth Center for Taguig City para magsagawa ng mga serbisyo that will address the challenges na kinakaharap ng mga kabataan.
Kabilang sa ipanao-auction off ni Pia ay ang kanyang silver dress nang mapiling isa sa Top 15 sa Miss Universe noong 2015.
Kasama rin ang kanyang mga sashes noong sumali sa Binibining Pilipinas hanggang sa MU.
Also to be auctioned off ay ang kanyang pinakaiingat-ingatan niyang notebook na naglalaman ng kanyang mga struggles.
Pero may isang netizen ang kumontra, bakit pa raw isasama ni Pia ang kanyang mga sashes?
Souvenir nga naman ‘yon na maaari niyang ipagmalaki sa kanyang magiging anak.
Puwede rin daw niyang i-donate ang mga ‘yon sa museum.
Bagama’t valid ang kanyang paliwanag, parang biglang nagdalawang-isip si Pia na pati ‘yon ay ipasusubasta niya.
Ang malinaw–dedma siya sa maganda namang pahayag ni Heart as in wala siyang panahon!