Home HOME BANNER STORY Presyo ng mga bulaklak at kandila nagsitaasan naHOME BANNER STORYNATIONWIDETOP STORIES Presyo ng mga bulaklak at kandila nagsitaasan naOctober 29, 2024 12:251650 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Nararamdaman na ang pagtaas ng presyo ng mga kandila at bulaklak ilang araw bago ang paggunita ng Undas.Sa kandila, ang bentahan ngayon ng tatlong piraso ng maliit na kandila sa paligid ng Manila North Cemetery (MNC) ay P40 na.Nasa P50 naman ang medium size kada dalawang piraso habang ang large ay P50 ang kada isang piraso.Kada dalawang piraso naman ng extra large na kandila ay pumapatak ng P150 kung saan nasa P60 kandila na nasa maliit na baso.Sa bentahan naman ng bulaklak, ang presyo ng radus ay nasa P250 ang bundle, P200 ang carnation, P150 ang malyasian mums at P180 ang stargazer.Halagang P800 Hanggang P2,500 mabinili ang bulaklak na may stand depende sa disenyo at sukat .Inaasahan na tataas pa ang mga presyo ng mga bulaklak habang papalapit ang Undas Hanggang sa mismong araw sa Nob.1 at 2.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)