Home METRO Ginang arestado sa pagbebenta ng malalaswang larawan, video ng mga menor-de-edad

Ginang arestado sa pagbebenta ng malalaswang larawan, video ng mga menor-de-edad

96
0

MANILA, Philippines- Arestado ang isang ginang ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Taguig City kung saan siya umano ay nakikipagkalakalan online ng mga live sex show ng mga bata kabilang ang kanyang mga anak na babae.

Sinabi ng NBI na ang ginang ay naaresto noong Oktubre 21 ng mga operatiba ng Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) na nagsilbi ng Warrant to Search and Examine Computer Data (WSSECD) na inisyu ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 15.

Kinumpiska din ang computer devices, ilang sex toys at money remittances ng ginang.

Sinabi ng NBI na isinagawa ang operasyon base sa impormasyon natanggap ng NBI-HTRAD na ang umano’y facilitator sa Pilipinas ay nagpapadala ng malalaswang larawan at videos ng mga menor-de-edad sa United States.

Sa imbestigasyon, nalaman ng NBI-HTRAD na ang ginang ay patuloy na nag-aalok ng live shows ng kanyang dalawang anak na babae na menor-de-edad kapalit ng pera.

Itinuloy ng NBI-HTRAD ang operasyon noong Oktubre 21 matapos ipaalam ng babae sa isang undercover agent na gaganapin ang live show sa araw na iyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here