NAMAHAGI si Senador Lito Lapid ng higit dalawang libong relief goods para sa mga biktima ng bagyong Kristine na puminsala sa malaking bahagi ng Luzon, partikular sa Quezon, Cavite at Batangas provinces nitong Lunes, Oct. 28.
Unang pinuntahan ni Sen. Lapid ang bayan ng Rosario, Cavite na may 500 biktima ng bagyo ang naabutan ng relief goods.

Sumunod naman ang bayan ng Tanza Uno sa Cavite na may 500 benepisyaryo ang tumanggap ng tulong.
Bandang hapon, tumuloy naman si Lapid sa bayan ng Calaca, San Luis at San Pascual sa Batangas para ipagpatuloy ang pamamahagi.







