Home ENTERTAINMENT Showtime sa GMA, hanggang Dec na lang?

Showtime sa GMA, hanggang Dec na lang?

232
0

Manila, Philippines – Puro ispekulasyon, walang kumpirmasyon.

Ito ang maaaring ilarawan sa estado ng It’s Showtime na kalat nang hanggang December 20 na lang mananatili sa GMA.

Mismo kay Ogie Alcasid na rin nanggaling na: “Naririnig ko pero wala akong idea!”

By December kasi’y ekdaktong anim na buwan na ang nasabing noontime show buhat nang kinupkop muna ito ng GTV.

Kung tutuusin nga raw, ani Ogie ay hindi nila inisip na posibleng umere ang Showtime sa GMA, ang mahigpit na katapat ng ABS-CBN where it used to air.

“But GMA was very welcoming most especially Ma’am Anette Gozon-Valdes,” diin ng singer-songwriter.

‘Yun nga lang, Ogie was quick to admit that: “I’m not privy to the dealings.”

Kahit ba paano’y anxious sila ng kanyang mga kasamahang hosts ng 15-year-old na show?

“Ang sa amin kasi, bahala na. Basta ako, I show up everyday. I do my job and I think the rest of my co-hosts are doing the same thing,” pag-amin ni Ogie.

Looking back, the singer only has words of gratitude for GMA..

Partikular na raw ang sinseridad nito when all Showtime hosts were warmly welcomed sa GMA Gala.

Kung ano’t anuman daw ang nakalaan para sa kanila’y maluwag nilang tatanggapin.

Lalong naging maugong ang pamamaalam ng Showtime sa GMA dahil sa balitang magbabalik ang Tape, Inc. ng mga Tuviera sa Kapuso network.

Balita kasing naresolba na nito ang isyu sa dating ipinrodyus na noontime show pagkatapos bumitiw ang Eat Bulaga ng TVJ at lumipat sa TV5. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here