MANILA, Philippines – Itinaas ang Signal No. 3 sa Batanes at silangang bahagi ng Babuyan Islands habang patuloy na lumalakas ang Bagyong Leon habang kumikilos ito pakanluran hilagang-kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea, sabi ng PAGASA.
Sa 5 a.m. weather bulletin nitong Miyerkules, ang Leon ay tinatayang magiging pinakamalapit sa Batanes mula Huwebes ng madaling araw hanggang tanghali. Hindi naman inaalis ang landfall sa probinsya.
Si Leon ay nakikitang mabilis na tumitindi sa ibabaw ng Philippine Sea hanggang bago mag-landfall sa Taiwan. Ito ay “malamang na nasa o malapit sa super typhoon intensity sa panahon ng pinakamalapit na punto ng paglapit nito sa Batanes,” dagdag ng PAGASA.
Namataan si Leon sa layong 395 km silangan ng Calayan, Cagayan na may lakas na hanging 165 kilometro bawat oras (km/h) at kumikilos pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.
Ang Signal No. 2 ay itinaas sa mga sumusunod na lugar. Makakaranas sila ng hanging 62 km/h hanggang 88 km/h sa susunod na 24 na oras:
Cagayan
the rest of Babuyan Islands
the northern and eastern portions of Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Naguilian, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Mallig, Maconacon, Burgos, City of Cauayan, San Guillermo, Angadanan, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Roxas, Aurora, San Manuel)
Apayao
Kalinga
the northern and eastern portions of Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman)
the eastern portion of Mountain Province (Paracelis)
Ilocos Norte
Habang ang mga sumusunod na lugar ay nakasailalim naman sa Signal No. 1 na posibleng makaranas ng 39 km/h hanggang 61 km/h o intermittent rains sa susunod na 36 hours:
the rest of Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
the rest of Mountain Province
Ifugao
Benguet
the rest of Abra
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Nueva Ecija
Aurora
the northeastern portion of Tarlac (Camiling, San Clemente, Paniqui, Moncada, Anao, San Manuel, Pura, Ramos, Victoria, Gerona, Santa Ignacia, City of Tarlac, La Paz)
the northern portion of Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel)
the northern portion of Quezon (Infanta, General Nakar) including Polillo Islands,
Camarines Norte
the northern portion of Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan)
the northern and eastern portions of Catanduanes (Pandan, Gigmoto, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Baras, Caramoran) RNT