Home METRO Kelot timbog sa baril at shabu sa Parañaque

Kelot timbog sa baril at shabu sa Parañaque

157
0

Arestado ng mga tauhan ng Police Detective Unit (DU) ng Parañaque City police ang isang lalaki na nakuhanan ng baril at mahigit P370,000 halaga ng shabu sa pagsisilbi ng search warrant sa kanyang tahanan sa Parañaque City Lunes ng gabi, Oktubre 28.

Kinilala ni Parañaque City police officer-in-charge P/Col. Melvin Montante ang nadakip na suspect na si alyas Roberto, 35, residente ng Area 5 Sitio Libjo, Barangay Sto. Niño, Parañaque City.

Base sa report na natanggap ni Montante, isinilbi ng mga tauhan ng DU ang search warrant sa bahay ng suspect dakong alas 6:00 ng gabi kung saan nakuha ang baril at shabu na nagresulta ng kanyang pagkakaaresto.

Naisakatuparan ang pagsisilbi ng Search Warrant No. 272-2024-LMDG na inisyu ni Parañaque City Regional Trial Court (RTC) 1st Vice-Executive Judge Leilani Marie Dacanay-Grimares ng Branch 294 kaugnay sa kinahaharap na kaso ng suspect na paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Sa pagpapatupad ng search warrant ay narekober din ang isang .38 caliber Armscor 201S na kargado ng apat na bala na nakatago sa ilalim ng kanyang unan.

Sa patuloy na pagsasaliksik ay narekober din ng mga operatiba ang isang medium size plastic sachet na naglalaman 55 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱374,000 na nakalagay sa loob ng kulay itim na sling bag.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Parañaque City police ang suspect na nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) at paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here