Home HOME BANNER STORY Chua kay VP Sara: ‘Di ka tinanong kasi ‘di ka nag-oath

Chua kay VP Sara: ‘Di ka tinanong kasi ‘di ka nag-oath

147
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala si Manila 3rd District Rep. Joel Chua sa publiko na hindi nasayang ang oras ni Vice President Sara Duterte nang hindi siya tanungin ng mga mambabatas patungkol sa fund utilization ng kanyang opisina.

Ani Chua, hindi naman kasi nanumpa si Duterte na magsasabi ito ng pawang katotohanan.

Sa panayam nitong Biyernes, Nobyembre 15, pinabulaanan ni Chua ang sinabi ni Duterte na hindi na siya dumalo sa mga sumunod na pagdinig dahil naubos lamang ang oras niya sa pag-upo at hindi man lamang siya tinanong.

Ani Chua, imposibleng tanungin nila ang Bise Presidente gayong ang lahat ng resource persons ay dapat na manumpa.

“Hindi siya nag-oath eh. So ayaw (namin), kasi under sa rules namin dapat lahat ang mga tatanungin ay mag-take ng oath. Subalit, hindi naman siya nag-oath. So, sa aming paniniwala, eh, wala rin namang magiging say-say kung ano ‘yong sasabihin niya kung di naman siya mag-take ng oath,” sinabi pa ng chairman ng House committee.

Matatandaan na tumangging manumpa si Duterte sa unang pagdinig ng panel noong Setyembre 18 na kailangan para sa mga witness.

“Well, actually, in-invite siya no’ng first at saka second hearing, do’n sa first hearing alam naman ninyo ‘yong nangyari, umattend siya pero ayaw naman niyang mag-take ng oath. So nagpa-excuse siya, nirespeto naman natin po siya bilang pangalawang pinakamataas na opisyal ng ating bansa,” paliwanag ni Chua.

“Doon naman sa pangalawang hearing, hindi naman po siya umattend. So ‘yong third hanggang fifth hearing, hindi na po namin siya in-invite para bilang respeto sa kanya. Subalit, tama nga po ‘yong sinabi nyo doon sa Senate hearing, sinabi niya na hindi siya na-invite. Kaya, ine-extend ulit namin ‘yong invitation sa kanya,” dagdag pa niya.

Dagdag pa, nagbigay na rin ng maraming pagkakataon ang komite para maibigay ni Duterte ang kanyang panig.

“The committee has gone above and beyond to make sure she has every opportunity to present her side,” sinabi pa ni Chua.

“She declined to attend the third, fourth, and fifth hearings scheduled on Oct. 17, Nov. 5, and Nov. 11, after submitting a formal letter stating she would not be present,” ipinunto pa niya.

“The Vice President has been given every opportunity to clarify the use of public funds in her office, particularly those that are shielded from typical auditing processes due to confidentiality.”

Iniimbestigahan ng komite ang umano’y maling paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education sa ilalim ni Duterte, kabilang ang iregularidad sa paggasta ng confidential fund.

Iniabot ng Commission on Audit (COA) ang notice of disallowance sa P73.2 milyon ng confidential fund ng OVP noong 2022. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here