Home METRO 47 arestado, 61 baril nasamsam sa Maguindanao Sur clan war

47 arestado, 61 baril nasamsam sa Maguindanao Sur clan war

175
0

CAMP SIONGCO, Maguindanao Norte-INARESTO ng militar ang 47 na katao at nakumpiska ang 61 na matataas na armas sa isinagawang law enforcement operation laban sa mga pamilyang Moro na nag-aaway noong Biyernes sa Mamasapano, Maguindanao del Sur.

Ayon kay Col. Ricky P. Bunayog, officer in charge ng 601st Infantry Brigade ng Army, bandang 1:00 PM isinagawa ang joint military-police operation sa Barangay Pimbalakan Mamasapano.

Aniya, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga residente dahil sa takot na madamay sila sa pag-aaway ng mga pamilyang Badrudin Inda at Zainudin Kiaro dahil sa matagal ng hidwaan.

Sa pagresponde ng militar sa naturang lugar agad nilang inaresto ang 47 na katao at nakuha ang mga assault rifles, handguns, rifle grenades, hand grenades, homemade sniper rifles, at isang 60 mm mortar tube.

Dagdag pa ni Bunayog, na sa kabila ng mga peace dialogue at covenant signings ng lokal na pamahalaan at ng Bangsamoro region peace and reconciliation office, ng mga pamilyang may hidwaan ay patuloy pa rin silang naglalaban-laban.

Nauna, nang nanawagan ang militar sa mga sibilyan na nakipag koordinasyon para wakasan ang paulit-ulit na sagupaan.

Dagdag pa ni Bunayog, na hindi nila kukunsintihin sinumang indibidwal o grupo na lalabag sa batas at karapatang pantao.

Kaugnay nito, nanawagan naman si Maj. Gen. Antonio Nafarrete, commander ng Army’s 6th Infantry Division at acting commander ng Armed Forces of the Philippines’ Western Mindanao Command (Westmincom), sa mga pamilyang may matagal na hidwaan at hindi matapos-tapos na hidwaan na ayusin ang kanilang alitan ng mapayapa at idaan sa dahas at madamay ang mga inosenteng sibilyan.

Sa datos ng militar, mula Enero 2024 nakumpiska sila ng 300 iba’t ibang uri ng armas sa Maguindanao del Sur./Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here