Home NATIONWIDE Parak tumimbuwang sa tambang

Parak tumimbuwang sa tambang

146
0

COTABATO CITY- PATAY ang isang pulis matapos pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong suspek habang sakay ng kanyang kotse, nitong Lunes ng gabi sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si PMSG John Manuel Bongcawil, may asawa, nakatalaga sa Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Maguindanao Norte PPO at residente ng Parang, Maguindanao del Norte.

Batay sa report ng Cotabato City-PNP, bandang 6:00 PM naganap ang krimen sa parking area ng City mall na matatagpuan sa Barangay Rosary Heights 7, Cotabato City.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang kulay gray na Mitsubishi mirage-LAB-9820 kasama ang pamilya nito.

Dito, bigla na lamang dumating ang armadong suspek at pinagbabaril ang biktima, para hindi madamay ang pamilya nito nagawang makatakbo ni Bongcawil.

Subalit, may nakaambang na rin na isa pang suspek at pinagbabaril ito sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agara nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng 12 basyo at apat na balang hindi pumutok.

Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran pagdakip./Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here