Home NATIONWIDE P442-M utang ng 4,300 magsasaka sa Quezon burado na

P442-M utang ng 4,300 magsasaka sa Quezon burado na

234
0

MANILA, Philippines – Aabot sa kabuuang 4,300 agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa mga lalawigan ng Quezon ang nakahinga sa pagbabayad ng P442 milyong utang pang-agraryo nang pangunahin nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Agrarian Reform Secretary Conrado M. Estrella III ang pamamahagi ng 11,497 Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROM) na sumasaklaw sa 1,872.7398 ektarya ng lupa, noong, Biyernes, Nobyembre 29. 2024, na ginanap sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Sinabi ni Pres. Marcos na sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project, layunin ng DAR na ipamahagi ang mga indibidwal na titulo ng lupa sa ARBs para mahati-hati ang collective Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) na dati nang ipinagkaloob sa kanila upang tuluyan nang mapasakamay nila ang lupang matagal na nilang binubungkal.

“Alam po namin ni Secretary Estrella na napakatagal na ninyong nag-aantay. Kaya’t binilisan na naming ang pagbigay ng mga titulo para ng sa gano’n maliwanag kung ano ang sa inyo, at kung anuman ang aanihan ninyo ay sa inyo rin,” ani Marcos.

Kaugnay noto pinasalamatan ni Marcos ang World Bank dahil sa pakikipagtulungan sa DAR sa pagpapatupad ng Project SPLIT.

Si Jayson Acuzar, 38 taong gulang, isa sa mga nakatanggap ng COCROM mula sa Candelaria, Quezon na may CLOA na sumasaklaw sa tatlong (3) ektarya ay napatawad na sa kanyang utang na halos P500,000.00 .

Samantala namahagi din si Marcos ng labinglimang (15) electronic titles (e-titles) sa ilalim ng Project SPLIT na binubuo ng labinglimang (15) ARBs mula sa Buenavista, Quezon na sumasaklaw sa 30.8064 ektarya,

Ang inisyatibong ito ay nakahanay sa Republic Act No. 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act nla nag-uutos na magkaloob ng makabuluhang tulong pinansyal, magbigay-inspirasyon sa mga magsasaka, at mag-ambag sa pambangsang seguridad sa pagkain.

Minarkahan ng naturang kaganapan ang kauna-unahang pamamahagi ng COCROM sa CALABARZON at minarkahan din ng mahalagang okasyon pagbibigay kapangyarihan sa mga ARB at pagpapahusay ng produktibidad ng agrikultura sa rehiyon, (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here