Home ENTERTAINMENT Pokwang nagsalita sa isyu sa Showtime!

Pokwang nagsalita sa isyu sa Showtime!

269
0

Manila, Philippines – Over the week, mainit na pinag-uusapan na hanggang December na lang sa GMA ang It’s Showtime.

Ang pre-programming ng Showtime ay ang TiktokClock nina Pokwang, Kim Atienza, Herlene Budol at Jason Gainza, among others.

Ito raw ang balak ilipat ng pamunuan ng GMA ng time slot.

Natyempuhan ng isang reporter si Pokwang sa Instagram live.

Sarap na sarap na kumakain nang nakakamay ang TV host-comedienne.

The reporter grabbed the chance para tanungin na rin si Pokwang if there’s truth to the rumor na

TiktokClock nga ang ipapalit sa babakantehing time slot ng Vice Ganda-led program.

Ani Pokwang: “Walang ganyan. Wala, wala… kami, ginagawa lang namin ang aming trabaho!”

Short of saying na parang nahihiya siya kay Vice Ganda.

Bukod kasi sa pagiging malapit nila sa isa’t isa, si Vice Ganda ang isa sa mga nangungunang parokyano ni Pokwang sa gourmet business nito.

Marami rin daw kung umorder ng gawa niyang laing ang Unkaboggable Star.

“Mahal natin si Meme, kaya walang ganyan. Hindi totoo ang kumakalat na balita!” dagdag ni Pokwang.

As of latest news, under negotiations pa kung mananatili ang Showtime sa GMA. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here