MANILA, Philippines – Ang shear line ay makakaapekto sa eastern section ng Central Luzon habang ang Northeast Monsoon o Amihan ay makakaapekto sa Northern Luzon sa Martes, iniulat ng PAGASA.
Ang Metro Manila, Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Quezon, at Kalayaan Islands ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog dahil sa shear line na may posibilidad ng flash flood at landslides na magaganap dahil sa katamtaman. sa kung minsan ay malakas na ulan.
Ang natitirang bahagi ng Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon. Ang mga flash flood at landslide ay maaaring magresulta dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang Rehiyon ng Ilocos ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahinang mga pag-ulan dulot ng Northeast Monsoon ngunit hindi ito magkakaroon ng makabuluhang epekto.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized thunderstorm na may posibilidad ng mga flash flood at landslide na magaganap sa panahon ng matinding pagkulog. RNT