Home NATIONWIDE 13 pregnant Filipino surrogates kulong sa Cambodia

13 pregnant Filipino surrogates kulong sa Cambodia

211
0

CAMBODIA – Sinentensyahan ng korte sa Cambodia ang 13 pregnant Filipino women ng apat na taong pagkabilanggo dahil sa pagiging surrogate mothers.

Ang 13 ay kabilang sa 24 na dayuhang babae na idinetain ng Cambodian police sa Kandal province noong Setyembre, at kinasuhan ng attempted cross-border human trafficking.

Kasunod ng paglilitis, sinentensyahan ng korte nitong Lunes, Disyembre 2 ang 13 ng hanggang “four years in prison,” bagama’t ang dalawang taon ng sentensya ay maaaring masuspinde.

Sinabi ng korte na mayroon itong matibay na ebidensya na nagpapakita na ang 13 ay “have the intention… to have babies to sell to a third person in exchange for money, which is an act of human trafficking.”

Hindi na nagbigay pa ng detalye ang korte kung ano ang mangyayari sa mga sanggol ng 13 kapag sila ay isinilang na.

Makukulong naman ng dalawang buwan ang babaeng Cambodian na nagluluto ng pagkain para sa mga buntis na Pinay sa pagiging kasabwat nito.

Samantala, naipa-deport naman ang pito iba pang Filipino at apat na babaeng Vietnamese na hindi buntis.

Noong 2016 ay nag-isyu ang Cambodia ng snap ban sa commercial surrogacy. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here