Home NATIONWIDE P23M shabu nasabat sa buy bust ops sa QuezonNATIONWIDETOP STORIES P23M shabu nasabat sa buy bust ops sa QuezonDecember 4, 2024 10:281420 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Naaresto ng mga awtoridad ang isang 33-anyos na lalaki sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Rizal, Tagkawayan, Quezon.Kasabay nito ay nakuha sa suspek ang mga sachet at isang bloke ng shabu na mahigit isang kilo ang timbang at nagkakahalaga ng P23 milyon.Ayon sa pulisya, posibleng nanggaling pa sa Maynila ang droga at ikakalat sana sa Southern Luzon.Posible rin na isang malaking sindikato ng illegal na droga ang may dala ng mga ito.Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/JGC