Home NATIONWIDE Walkthrough sa Nazareno 2025, ikinasa ng pamunuan ng Quiapo Church

Walkthrough sa Nazareno 2025, ikinasa ng pamunuan ng Quiapo Church

261
0
Nagsagawa ng walkthrough ang pamunuan ng simbahan ng Quiapo kasama ang lokal na pamahalaan ng Maynila, Manila Police District (MPD) at iba pang ahensya ng pamahalaan. Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng walkthrough ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo ngayong umaga, Disyembre 4 para sa preparasyon ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Quiapo.

Alas-5 ng umaga nang simulan ang paglalakad mula sa Quirino Grandstand at tinahak ang ruta ng Traslacion hanggang Simbahan ng Quiapo.

Kasama sa walkthrough ang ilang opisyal ng ahensya ng pamahalaan maging ang mga kapulisan sa pamunuan ni Manila Police District (MPD) Director Arnold Thomas Ibay.

Ito po ay bilang bahagi ng paghahanda sa pagdiriwang ng NAZARENO 2025.

Ang pangunahing layunin nito ay upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat sa daraanan ng prusisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here