Home ENTERTAINMENT Rufa Mae, may arrest warrant, magbo-voluntary surrender!

Rufa Mae, may arrest warrant, magbo-voluntary surrender!

103
0

California, USA – Mismong si Boy Abunda ang nagkumpirma sa programa niyang Fast Talk nitong December 2, Lunes na may arrest warrant din si Rufa Mae Quinto.

Si Boy ay kaibigan at manager ni Rufa Mae.

Tulad ni Neri Naig, celebrity endorser rin si Rufa Mae ng Dermacare.

At tulad din ng misis ni Chito Miranda, nahaharap ang sexy comedienne sa 14 counts of estafa mula sa 39 katao.

Nasa Amerika si Rufa Mae habang sinusulat ito.

Ayon umano kay Rufa Mae, hindi rin daw niya alam ang pagkakadawit sa kanya dahil maging siya’y inisyuhan ng mga talbog na tseke ng may-ari ng Dermacare na si Chanda Atienza.

Pinayuhan naman daw si Rufa Mae ng kanyang malalapit na kaibigan na bayaran nito ang piyansang aabot din sa P1.7 million bago tumulak patungong Amerika.

Sinamantala naman ni Boy ang pagkakataon para talakayin sa Fast Talk ang parehong kaso nina Neri at Rufa Mae.

Ano raw ba ang sakop pag kinuhang endorser ang isang artista?

Hindi raw ba’t ang mas dapat managot sa ganitong kaso ay ang may-ari ng kumpanya na kumuha ng mga celebrity para iendorso ito?

Obyus na nababahala si Boy dahil bilang talent manager nga naman ay kailangang mas lalo nilang suriin at pag-aralan ang kontrata ng mga hawak nilang artista sa usapin tungkol sa endorsement.

Sa ngayon ay naglabas na rin ng statement ang attorney ni Rufa Mae na magbo-voluntary surrender ito at magbabayad ng pyansa. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here