Home NATIONWIDE Mga resibo, Mary Grace Piattos tututukan sa 2nd impeach complaint vs VP...

Mga resibo, Mary Grace Piattos tututukan sa 2nd impeach complaint vs VP Sara

123
0

MANILA, Philippines- Paano umano napeke ang mga resibo sa confidential funds ng Office of the Vice President?

Isa lamang ito sa mga katanungang ilalatag sa ikalawang impeachment complaint na nakatakdang ihain laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules ng hapon.

Sinabi ni Bayan president Renato Reyes Jr. na nasa 70 complainants kabilang ang youth leaders, mga guro, government employees, health workers, at multi sectoral groups ang makikiisa sa reklamo na nag-aakusa kay Duterte ng betrayal of public trust. 

Partikular na kinukuwestiyon umano ng reklamo ang umano’y “misuse” ng confidential funds ng OVP, sa gitna ng ulat ng Commission on Audit na wala umanong Mary Grace Piattos – isa sa mga tumanggap ng OVP funds.

“Paano ba ginastos ang confi funds? Paano na-utilize yung more than half a billion ng confidential funds? Paano ‘yan ginastos mula Dec. 2022 hanggang 3rd quarter 2023?” tanong ni Reyes sa isang panayam.

“Paano pineke? Paano nilabag ‘yung mga alituntunin ng Commission on Audit pagdating sa pag-uulat. Diyan papasok ‘yung mga questionable na resibo, Mary Grace Piattos at iba pang kwestyonableng pamamaraan ng liquidation.”

Taliwas ang paghahain ng impeachment complaint sa naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag na itong gawin. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here