MANILA, Philippines- Nagtungo ang tatlong mamamahayag sa NBI Cybercrime Division nitong Miyerkules matapos silang ipatawag para sa imbestigasyon sa umano’y mga banta ni Vice President Sara Duterte sa kanyang late night press conference mahigit isang linggo na ang nakalilipas.
Ang mga mamamahayag ay mula sa Manila Times, Rappler, at sa Philippine Daily Inquirer. Kapwa sila nagko-cover ng Office of the Vice President (OVP).
Paliwanag ng NBI, kukuhanan nila ng pahayag ang mga mamahayag ukol sa mga kaganapan bago at sa kasagsagan ng press conference.
Sa kontrobersyal na presscon, inilahad ni Duterte na ipinag-utos niya na itumba si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr, ang First Lady, at ang House Speaker sakaling magtagumpay ang umano’y planong patayin siya.
Ani Duterte, ang kanyang pahayag ay “maliciously taken out of logical context.”
Inilipat ang petsa ng pagpunta ng Bise Presidente sa Vice NBI sa Dec. 11 matapos hindi makadalo sa inisyal na petsa ng pagdinig. RNT/SA