Home NATIONWIDE VP Sara nahaharap sa 2nd impeachment complaint

VP Sara nahaharap sa 2nd impeachment complaint

213
0
Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang militanteng grupo sa gate ng Kamara sa Quezon City ngayong Miyerkules, Disyembre 4, 2024 kung saan naghain ang ilang indibidwal mula sa iba't ibang sektor ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y “betrayal of public trust” kaugnay ng umano’y “misuse” ng confidential funds. Danny Querubin

MANILA, Philippines- Naharap si Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules sa ikalawang impeachment complaint sa House of Representatives sa loob lamang ng tatlong araw na inihain ng ilang sectoral groups kabilang ang mga dating kongresista at human rights victims. 

Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ibinatay ng 75 complainants ang paghahain ng kanilang impeachment complaint sa “betrayal of public trust.”

Partikular na binanggit sa reklamo ang umano’y maling paggamit ni  Duterte sa P612.5 milyong confidential funds sa ilalim ng Office of the Vice President (OVP) at ng Department of Education (DepEd) sa kanyang termino bilang kalihim ng departamento.

Tinukoy din nito ang “systematic cover-up” ng fund misuse sa pamamagitan ng umano’y maanomalyang mga dokumento na isinumite sa Commission on Audit (COA) at umano’y “deliberate obstruction” ng congressional investigation at oversight.

Sa isang press conference, inakusahan ni Bayan chairperson Teddy Casiño si Duterte ng pagsira sa tiwalang ibinigay sa kanya bilang second top official ng bansa.

“At dahil dito, karapat-dapat lamang na matanggal siya sa pwesto at huwag nang payagan na humawak ng anumang pwesto sa gobyerno,” giit ni Casiño.

“The Filipino people, especially our taxpayers who bear the burden of funding government operations, deserve accountability from their second highest official,” dagdag niya.

Ang impeachment complaint ay inendorso ng mga miyembro ng Makabayan bloc, sina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here