Bulacan – Nasa P1,683,396 halaga ng mga ilegal na droga ang nakumpiska sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Gitnang Luzon kabilang ang lalawigang ito.
Sa report kay Police Regional Office 3 Director PBGEN Redrico Maranan, ikinasa ang magkakahiwalay na operasyon sa rehiyon nitong Disyembre 3.
Nabatid na nasa kabuuang 21 operasyon ang isinagawa ng mga awtoridad at may nahuling 35 na mga suspek.
Sinasabing nasa 247.455 gramo ng umano’y shabu at 5.850 gramo na marijuana ang nasamsam na may kabuuang halagang P1,683,396.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa mga himpilan o yunit na humuli sa kanila. Dick Mirasol III