MANILA, Philippines- Magiging maulap ang kalangitan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Norte, at natitirang bahagi ng Cagayan Valley na sasabayan ng kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line.
Makaaapekto ang shear line sa eastern section ng Northern Luzon habang iiral ang northeast monsoon (amihan) sa Extreme Northern Luzon ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.
Magiging maulap sa Batanes na may mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon, subalit hindi ito labis na makaaapekto sa lalawigan.
Inaasahan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Norte, at natitirang bahagi ng Cagayan Valley ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line na may posibilidad ng flash floods o landslides dahil sa “moderate to at times heavy rains.”
Makararanas naman ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms na may posibilidad ng flash floods o landslides sakaling magkaroon ng severe thunderstorms.
Ang wind speed forecast para sa northern Luzon ay moderate to strong patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.
Iiral sa natitirang bahagi ng bansa ang light to moderate wind speed patungong northeast to north direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.
Sumikat ang araw ng alas-6:08 ng umaga at lulubog ng alas-5:26 ng hapon. RNT/SA