Home NATIONWIDE Dangerous heat levels nagbabadya sa 29 lugar ngayong Sabado, Abril 26 –...

Dangerous heat levels nagbabadya sa 29 lugar ngayong Sabado, Abril 26 – PAGASA

211
0

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes na posibleng sumampa ang heat indices sa 29 lugar sa bansa sa mapanganib na lebel ngayong Sabado, Abril 26.

Sinabi ng PAGASA na posibleng makaranas ang mga lugar na ito ng heat indices mula 42 hanggang 45°C, na nasa ilalim ng “danger” classification para sa heat-related illnesses.

Batay sa ulat, ang pinakamataas na projected heat index ay sa Muñoz, Nueva Ecija kung saan posibleng madama ang temperaturang 45°C.

Posible ring maranasan ang heat index na 44°C sa San Jose, Occidental Mindoro.

Nakaamba namang makapagtala ang 13 lugar ng heat index na 43°C: Dagupan City, Pangasinan; Bacnotan, La Union; Tuguegarao City, Cagayan; Echague, Isabela; Olongapo City, Zambales; Tanauan, Batangas; Infanta, Quezon; Coron, Palawan; Puerto Princesa City, Palawan; Legazpi City, Albay; Pili, Camarines Sur; at Iloilo City, Iloilo.

Samantala, 14 lokasyon ang nagbabadyang makapagtala ng heat indices na aabot sa 42°C: Laoag City, Ilocost Norte; Batac, Ilocos Norte; Aparri, Cagayan; Baler, Aurora; Camiling, Tarlac; Tayabas City, Quezon; Mulanay, Quezon; Los Baños, Laguna; Cuyo, Palawan; Daet, Camarines Norte; Masbate City, Masbate; Roxas City, Capiz; Dumangas, Iloilo; at Catarman, Northern Samar. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here