Home HOME BANNER STORY PBBM nanawagan ng courtesy resignations ng lahat ng Cabinet secretaries

PBBM nanawagan ng courtesy resignations ng lahat ng Cabinet secretaries

218
0

MANILA, Philippines – “It’s time to realign government with the people’s expectations.”

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos manawagan para sa courtesy resignation ng lahat ng Cabinet secretaries, isang mapagpasyang hakbang upang muling isaayos ang kanyang administrasyon kasunod ng resulta ng kamakailan lamang na eleksyon.

“This is not business as usual,” ang sinabi ng Pangulo sabay sabing “The people have spoken, and they expect results—not politics, not excuses. We hear them, and we will act.”

Ang request para sa courtesy resignations ay magbibigay ng pagkakataon sa Pangulo na suriing mabuti ang performance ng bawat departamento at tukuyin kung sino ang magpapatuloy na magsilbi sa alinsunod sa ‘recalibrated priorities’ ng administrasyon.

“This is not about personalities—it’s about performance, alignment, and urgency,” ang pahayag ng CHiefExecutive.

“Those who have delivered and continue to deliver will be recognized. But we cannot afford to be complacent. The time for comfort zones is over,” aniya pa rin.

Ang hakbang na ito ay tanda ng malinaw na transisyon mula sa maagang yugto ng pamahahala sa isang ‘more focused and performance-driven approach.’

Binigyang diin ng Pangulo na habang marami ang nagsisilbi na may dedikasyon at propesyonalismo, ang umuunlad na pangangailangan ng bansa ay nangangailangan ng isang ‘renewed alignment, faster execution, at results-first mindset.’

Samantala, magpapatuloy naman ang serbisyo ng gobyerno sa panahon ng transisyon o pagbabago.

Inulit ng Pangulo na ang katatagan, pagpapatuloy, at meritokrasya ang gagabay sa pagbuo ng kanyang leadership team sa pagsusulong.

SA pagbabagong ito, nagbibigay na ng hudyat angn administrasyong Marcos para sa isang bagong yugto na mas ‘sharper, faster, at fully focused” sa karamihan sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here