Home NATIONWIDE Pagpapanatili ng 15% tariff sa imported rice inirekomenda ng DA

Pagpapanatili ng 15% tariff sa imported rice inirekomenda ng DA

231
0

MANILA, Philippines- Inirekomenda ng Department of Agriculture (DA) na panatilihin ang 15% tariff sa imported rice para makatulong na mapagaan ang epekto ng inflation sa local prices.

Sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na layon lamang nila na pababain ang epekto ng inflation sa buong agricultural industry.

“Napakaimportante yan sa buong ekonomiya ng ating bansa, at masigurado din natin na maging tuloy-tuloy ang mga programa natin na mas mababang presyo ng bilihin di lamang ng bigas kundi iba pang agricultural commodities,” ang sinabi ni de Mesa.

Sinabi pa rin inya na mayorya ng bawat P100 na ginagastos ng mahirap na pamilyang Pilipino ay ginagamit na pambili ng bigas.

“Mga 25% kasi ng bigas na kino-consume natin ay imported. So, kung mapapanatili natin na mababa ang taripa at 15%, mas masisigurado natin na yung pangkalahatang presyo ng bigas ay mas magiging matatag at hindi makakaapekto sa price spikes kung magkakaroon man. Yung inflation overall natin, mapapanatili nating mababa kung mananatiling mababa presyo ng bigas,” aniya pa rin.

Winika nitong kinokonsidera ng DA ang presyo ng bigas sa ‘international markets, exchange rates, logistics costs mula sa port of origin, at productivity’ sa bansa na may kinokonsiderang rice tariffs.

“Napakaimportante lalo na sa panahon ng lean months, ay masigurado natin na yung imported na bigas ay maganda ang presyuhan para di maapektuhan din yung presyo ng local na supply natin. Yung timing is really important to make sure natin na mapapanatili natin na matatag ang presyuhan ng bigas,” pahayag ng opisyal.

Ang assistance program ng gobyerno gaya ng implementasyon ng P20-per-kilo rice programs, ay magpatuloy kahit pa may taripa.

Matatandaang inaprubahan ni Marcos na bawasan ang taripa ng imported na bigas na ginawang 15% mula sa dating 35% sa pamamagitan ng Executive Order 62 na nilagdaan noong Hunyo 2024. Layunin nito na bawasan ang presyo ng bigas sa merkado ng hanggang P7 per kilo. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here