Home NATIONWIDE PBBM sa pagkikipagbati sa Dutertes: “Wag magtakda ng kondisyones

PBBM sa pagkikipagbati sa Dutertes: “Wag magtakda ng kondisyones

263
0

MANILA, Philippines – MULING inulit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagiging bukas niya na makipag-ayos at makipagkasundo sa pamilya Duterte, subalit hayagang tinanggihan ang ideya na magtakda ng anumang preconditions para sa reconciliation talks.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang reconciliation talks ay dapat na unconditional kung ang ibang partido ay genuinely committed na lutasin ang hidwaan sa politika na balakid sa pag-unlad ng bansa.

“No, no, that’s not how reconciliation works. You don’t set conditions if you truly want to reconcile. If you’re sincere, then you seek reconciliation,” ang sinabi ni Pangulong Marcos, tugon sa ulat na mga kapanalig ng mga Duterte ang nagsimulang mag-demand o humirit ng mga konsesyon mula sa kanyang administrasyon.

Sa kabilang dako, sa media interview matapos ang 46th ASEAN Summit sa Malaysia, Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na bukas siya sa direktang pag-uusap para plantsahin at tugunan ang anumang problema.

“Pero ‘yung sasabihin mo: ‘Hindi ako makikipag-usap hanggang ibigay mo sa akin ito, ito,’ eh walang pupuntahan. Tapos na, that’s not reconciliation,” ang sinabi ng Pangulo.

“That’s not even a negotiation. That’s demanding. Those are setting conditions… Wala nang pupuntahan. Tapos na ang usapan,” aniya pa rin.

Inamin naman ng Chief Executive na nagbukas siya ng pintuan para sa pag-uusap nang walang “preconceived judgments.”

“Isipin ko lang: lahat ng hiningi mo, lahat ng hinanakit mo, eh kung kaya ko ayusin, ‘di ayusin ko para tapos na ’to. Ayoko nga ng kaaway,” anito. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here