Home NATIONWIDE 115 dayuhan idineport ng Pinas

115 dayuhan idineport ng Pinas

186
0

MANILA, Philippines- Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) na nasa kabuuang 115 dayuhan, na natagpuang ilegal na naninirahan at nagtatrabaho sa Pilipinas, ang ipinatapon sa unang linggo ng Hunyo noong Linggo, Hunyo 8.

Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na 44 Vietnamese nationals ang na-deport noong Hunyo 3.

Nabatid sa BI na 12 South Koreans at 26 pang Vietnamese nationals ang ipinatapon noong Hunyo 4, habang ang isang Malagasy national at 25 pang Vietnamese ay na-deport noong Hunyo 6.

Aniya, karamihan sa mga na-deport ay inaresto dahi pagtatrabaho nang walang kaukulang dokumentasyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na ipinasara ng gobyerno dahil sa kanilang pagkakasangkot sa mga kriminal na aktibidad.

“These deportations are a strong message that the Philippines will not tolerate lawlessness and that we are serious about protecting our national security,” giit ni Viado.

Nabatid kay Viado, ang 115 dayuhan ay inilagay sa blacklist ng BI at pinagbawalan na bumalik sa Pilipinas. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here