Home HOME BANNER STORY P20/kg bigas mananatili – PBBM

P20/kg bigas mananatili – PBBM

303
0

MANILA, Philippines – TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na ang programa ng gobyerno na P20 kada kilo ng bigas ay hindi ‘temporary measure’ at hindi magtatagal ay magiging available na sa mas maraming pamilihan sa buong bansa.

Sa kanyang pnakabagong vlog, ipinalabas araw ng Linggo, Hulyo 6, sinabi ni Pangulong Marcos na ang programa na ni-roll out sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo outlets para sa vulnerable sectors, ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na mabigyan ng ‘affordable food’ at palakasin ang agriculture sector sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan sa pagitan ng national at local governments.

“P20 rice is here to stay. It is achievable, it is sustainable. Kaya abangan ninyo in your nearest public markets,” ayon sa Pangulo.

Ang inisyatibang tinawag na “Benteng Bigas Meron na! (BBM)” ay isa sa campaign promises ni Pangulong Marcos, naglalayon na mapagaan ang paghihirap ng tumataas na presyo ng pagkain.

Ang P20/kada kilo ng bigas ay kasalukuyang available sa senior citizens, solo parents, persons with disabilities, indigent families, at minimum wage earners, na may isang milyon na target na benepisaryo sa pagtatapos ng taon.

Hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang mga ‘newly appointed national at local officials’ nitong Hunyo 30, na magsamsa-sama at magtulungan para sa paghahatid ng serbisyo.

“Tapos na po ang bahagi ng politika, serbisyo publiko na ang haharapin niyo ngayon ,” aniya pa rin.

“Marami-rami tayong pagtutulungan sa lokal at national government at malaking bahagi ang LGU (local government unit) ng paghahatid natin ng serbisyo sa taumbayan,” ang tinuran ng Pangulo.

Ang pagtugon sa alalahanin, ang mababang presyo ng bigas ay makakasakit sa mga magsasaka, muli namang inulit ng Pangulo na ang mga pananggalang ay nasa ayos para maiwasan ang pagbaba ng presyo ng palay (unhusked rice).

Tinuran pa nito na National Food Authority (NFA) ay may mandato na bumili ng wet palay na P18 kada kilo at dry palay sa halagang P19 hanggang P23 kada kilo.

“Kahit ano pa ang maging presyo ng bigas, hindi po bababa dito ang pagbili ng NFA sa palay mula sa ating mga magsasaka,” pagtiyak ng Pangulo.

Tinukoy pa ng Pangulo na ang pagpapatuloy na roll-out ng ‘rice processing facilities at dryers’ sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay naglalayong bigyang kapangyarihan ang magsasaka at mag-imbak at mag-proseso ng kanilang ani, sa halip na sapilitang ibenta sa mga mangangalakal sa mababang presyo.

Gayundin, muling pinagtibay ni Pangulong Marcos ang pagtutok ng kanyang administrasyon sa pagbuo ng agricultural system upang masiguro ang food security, mula farm production sa processing, transport at retail.

Kamakailan ay pinangunahan ni ­Pangulong Marcos ang paglulunsad ng programang “Benteng Bigas, Meron Na!” sa Bacoor City, Cavite.

Layunin ng programa na matulungan ang mga pamilyang Pilipino sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sa pamamagitan ng pagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo.

Ang programa na una sanang isasagawa sa Visayas bilang pilot test, ay pinalawak na sa mga lungsod sa labas ng Metro Manila.

Target ng gobyerno na maabot ang 15 ­milyong benepisyaryo sa buong bansa sa susunod na taon, at ipagpatuloy ang programa hanggang 2028.

Sa Bacoor, 500 sako ng bigas mula sa lokal na magsasaka ang dinala sa KADIWA ng ­Pangulo outlet sa Zapote-Bacoor Public Market o katumbas ng 10 kilong bigas para sa 2,500 residente sa halagang P20 kada kilo.

Ang bigas ay binili ng Food Terminal Inc. mula sa National Food ­Authority (NFA) at ibinenta sa pamamagitan ng mga KADIWA outlets at iba pang kasaling tindahan.

Simula sa araw ng paglulunsad, regular nang makabibili ng P20 bigas ang mga mamimili sa Zapote-Bacoor Public Market.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), mahigit 105,000 pamilya sa Luzon at Visayas ang nakabili na ng higit 800,000 kilo ng bigas mula Mayo 13 hanggang Hunyo 30.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang senior citizens, solo parents, PWDs, mahihirap na pamilya, at mga minimum wage earners. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here