Home METRO Negosyante, binaril ng kapwa negosyate

Negosyante, binaril ng kapwa negosyate

234
0

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang 49-anyos na negosyante matapos barilin ng kapwa negosyante makaraan ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Malabon City, Linggo ng gabi, Hulyo 7.

Ginagamot ngayon sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanang binti ang biktimang si alyas “Ricky”, ng Gabriel Compound, Brgy. Catmon, ng lungsod.

Mahaharap naman sa kasong Attempted Homicide at paglabag sa R.A10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang suspek na si alyas “Arnel”, 53, at kapitbahay ng biktima.

Ayon kay Malabon Police OIC chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ng suspek habang nag-iinuman ang mga ito, kasama ng dalawa pa nilang kakilala.

Lumabas sa imbestigasyon na matapos umanong makaubos ng ilang bote ng alak ay nauwi sa mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek sa hindi nabanggit na kadahilanan.

Kaagad umanong sinapak ng biktima ang suspek na naglabas naman ng baril at pinutukan sa kanang binti si ‘Ricky’ na naging dahilan upang isinugod sa nasabing pagamutan.

Naaresto naman ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 4 ang suspek at nakumpiska sa kanya ang ginamit na baril na isang kalibre .45 pistol na may isang magazine at cartridges na rehistrado naman subalit, ginamit umano sa ibang address. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here