MANILA, Philippines – NABAWASAN na ang ‘waiting time’ para ibyahe ang ‘perishable at non-perishable goods’ sa magkabilang panig ng San Juanico Bridge.
Sa katunayan, ang dating pitong araw ay ilang oras na lamang ngayon.
Sa naging talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa grand launch ng National Fiber Backbone Phases 2 at 3 sa Palo, Leyte, muling inulit nito ang layunin ng gobyerno na itaas ang weight limit ng tulay sa 12 hanggang 15 tonelada sa Disyembre.
Ayon kay Pangulong Marcos, dati, ang mga mga tao ay naghihintay ng dalawa hanggang apat na araw para matanggap ang kanilang kalakal.
“The report I received from the Coast Guard said that we are prioritizing the transport of essential goods, especially perishables—those that can spoil or rot. We prioritize them. As for the waiting time for perishables, they now wait for only one hour—two hours at most. For non-perishables, it’s two to three hours, and four hours is already considered quite long. We are really working to reduce the waiting time,” aniya pa rin.
Sa isinagawang pag- inspeksyon sa tulay noong Hunyo 11, tiniyak ni Pangulong Marcos sa publiko na ang karagdagang tulong ay ipagkakaloob sa mga naapektuhan ng pagkumpuni at pagsasara ng tulay.
Kabilang dito ang payagan ang night navigation para pahintulutan ang round-the-clock crossings, at maging ang pagde-deploy ng roll-on/roll-off vessels na may kakayahan na magdala ng 30 hanggang 50 trak upang masiguro ang npapanahong transportasyon ng mga kalakal.
Sa pamamagitan ng Proclamation No. 920, nilagdaan noong Hunyo 5, nagdeklara si Pangulong Marcos ng state of calamity sa Eastern Visayas para mapabilis ang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng San Juanico Bridge at mapagaan ang epekto sa mga residente ng Samar at Leyte.
Ang state of calamity, naging epektibo noong HUnyo 5, mananatili sa lugar sa loob ng isang taon maliban na lamang kung babawin o palalawigin, depende sa umiiral na mga kondisyon. Kris Jose