Home METRO Total ban ng e-wallets sa online gambling, ikinasa ni Hontiveros

Total ban ng e-wallets sa online gambling, ikinasa ni Hontiveros

175
0

MANILA, Philippines – Naghain ng isang panukalang batas si Senador Risa Hontiveros sa Senado upang mahigpit na ipagbawal sa online gambling na gamitin ang e-wallet tulad ng G-Cash, Pay Maya at iba pang uri kabilang ang bank transfer sa pagtaya.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na tugon ang panukala sa dumadaming kahilingan na magtakda ng mas mahigpit na regulasyon sa lahat ng uri ng online gambling na naging mapanganib na pamamaraan na maluloong ang maraming Filipino at kanilang pamilya sa sugal.

“Phones are not casinos. Naging masyadong madali ang malulong sa sugal dahil napaka-accessible nito sa mga e-wallets at super apps,” Hontiveros said. “Napakarami sa ating mga kababayan ang nabaon sa patong-patong na utang dahil sa e-sugal na lalong pinadali ng mga e-wallets. Para sa iba, buhay ang naging kapalit, dahil isang pindot lang ang kailangan,” aniya. 

Bukod sa pagbabawal ng online games na makapaglaro sa pamamagitan ng e-wallet at super apps, nakatakda din sa panukala ni Hontiveros na ipagbawal ang kabataan na may edad 21 anyos pababa sa lahat ng uri ng   online gambling platforms at ipagbawal ang advertisement ng    online gambling sa lahat ng public spaces, tri-media, at social media.

“Tutuldukan na rin natin ang sangkaterbang billboards, commercials, at social media ads na nanghihikayat na magsugal. Para na itong panghihikayat na malugmok ang ating mga kababayan. Wala na dapat ineenganyo ang bisyong ito,” ani Hontiveros.

Inaatasan din ng panukala ang   Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na magtakda ng arawa, lingguhan at buwanang bettig at loss limits na maghuhudyat sa suspensiyon ng gaming accounts sa pinakamababang 30 araw.

“Dahil walang limitasyon ngayon sa pagsusugal, ang nangyayari tuloy ay unli-sugal na madalas humanatong sa unli-lustay. Unli-utang at unli-problema din ang hatid nito sa ating mga kababayan, kaya dapat bigyan ng hangganan ang pag-gasta,” ayon kay Hontiveros.

Layunin din ng panukala na magtakda ng 10% buwis sa lahat ng gross online gambling revenues na gagamitin sa pagpapagamot at rehabilitasyon ng  gambling addiction, public education campaigns laban gambling, monitoring at enforcement programs, at research and policy evaluation.

“Tulungan nating makabangon ang mga kababayan nating nalulong sa sugal at siguraduhin nating wala nang iba pa ang malululong dito. One life lost to gambling is one too many,” ayon kay Hontiveros.

Patuloy pa niya: “I hope that my colleagues in the Senate will unite against the scourge of online gambling and heed the call of the public to tighten its regulations.”

Naikasa sa Mababang Kapulungan ang counterpart measure nina Akbayan Reps. Chel Diokno, Perci Cendaña, at Dadah Kiram Ismula, at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here