MANILA, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal at nasamsam ang mahigit ₱32.6 milyon halaga ng ilegal na vape products sa isang raid sa Biñan City, Laguna noong Hulyo 7.
Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang mga suspek na sina Kert Simbajon, Javier Dirampatun, at Romeo Cada. Nahuli ang mga ito matapos matuklasang nagbebenta ng hindi rehistradong vape sa isang tindahan sa Bacoor, Cavite na walang BIR tax stamp at DTI permit.







