Home NATIONWIDE Dagdag-P1K sa buwanang SSS pension, inihain ng party-list solon

Dagdag-P1K sa buwanang SSS pension, inihain ng party-list solon

264
0

MANILA, Philippines – Naghain si SSS-GSIS Pensyonado Party-list Rep. Rolando Macasaet ng House Bill 1506 na naglalayong itaas ng P1,000 ang natatanggap na buwanang pension ng mga retiradong miyembro ng Social Security System (SSS).

Nilalayon nitong amyendahan ang Section 12 ng Republic Act 11199, na magtataas ng minimum pension sa P2,200 para sa may 10 taon na kontribusyon at P3,400 para sa may 20 taon.

Binanggit ni Macasaet na ayon sa 1987 Konstitusyon, obligasyon ng Estado na regular na repasuhin at i-upgrade ang mga pensyon.

Saklaw ng panukala ang lahat ng kasalukuyan at magiging SSS pensioners nang hindi isinasakripisyo ang katatagan ng programa.

Dating hepe ng SSS at presidente ng GSIS si Macasaet at tiniyak niyang mapapanatili ang balanse ng sustainability at pagiging maaasahan ng pensyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here